Pdf Mga Wika At Dayalekto Sa Pilipinas Ni
Abstrak: Talakay ng papel ang konsepto at depinisyon ng wikang Filipino at estado nito sa kasalukuyang panagon bilang wikang pambansa. Ginamit bilang batayan ng may-akda ang historikal (Konstitusyon), at mga dokumento’t aklat na nalathala ukol sa Filipino upang mapagtibay ang pagpapakahulugan sa Filipino. Laman din ng papel na ito ang gampanin ng ating pambansang wika sa ganap na pag-unlad ng ating bansa at kakayahan nito na mapag-isa ang ating bansang binubuo ng iba’t ibang kultura at paniniwala. S a kasalukuyang panahon, masasabing ang ating wikang pambansa, ang wikang Filipino ay patuloy sa pag-unlad tungo sa ganap na intelektuwalisasyon at istandardisasyon.
Talumpati Para sa Buwan ng Wikang Pambansa. Talumpati ni Jeffry Manhulad. Sapagkat ang wika’y panlahat, dapat natin itong gamitin sa pang araw araw na pakikipag ugnayan at pakikipag usap sa lahat ng mga Pilipino dahil hindi lamang ito nagsisimbolo ng isang dayalekto sa Pilipinas kundi ito’y panlahat.
Maituturing na lipas na ang panahon na ang mga Filipino (tao) ay patuloy sa paghahanap ng kanilang pambansang identidad at simbolo ng kanilang kalayaan na kakatawanin ng isang pambansang wika. Mayroon na tayong pambansang wika na itinatadhana ng ating saligang batas (konstitusyon ng 1987), gayundin, mayroon na ring isang ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay paunlarin at payabungin pa ang wikang ito (Komisyon sa Wikang Filipino). Maging ang iba’t ibang unibersidad at pamantasan sa Filipinas —pampubliko man o pampribado― ay patuloy na nakikiisa upang ipalaganap, palawakin, at paunlarin pa ang paggamit at pagtanggap sa wikang Filipino, sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga palihan, worksyap, paglalathala ng mga aklat-babasahin at iba pang mga aktibidad. Hindi na rin limitado sa loob ng paaralan (asignaturang Filipino) ang paggamit sa wikang Filipino.
Kapansin-pansin na rin ang pagtangkilik ng mass media sa paggamit nito bilang midyum na wika ng pagbabalita (brodkasting), teleserye, variety at entertainment shows, dokumentaryo, at iba pa. Tahasan na rin ang paggamit sa Filipino maging sa mundo ng Social Networking Sites (Facebook, Twitter at Instragram). Mas may impact ang isang post at higit din ang mararamdamang tuwa, lungkot o galit ng netizens kung ito ay nakasulat sa Filipino. Sa ganitong mga pagkakataon, aakalain mong malinaw na sa ating mga kababayan kung ano nga ba talaga ang konsepto ng wikang Filipino. Ito ba’y pambansang wika at asignatura lamang? O ito’y tumutukoy rin sa tao?
Paano na ang nakasanayang Pilipino? Idagdag pa ang ang paulit-ulit at walang kamatayang Tagalog. Masakit man isipin, pero ang “ chauvinism” o “Tagalog Imperialism” kung tawagin ni Prof. Leopoldo Yabes ay nanatili pa rin sa konsepto ng mga Filipino. Apni hindi font chart. Ang wikang Tagalog ay isa sa mga dayalekto ―na dulot ng dimensyong heograpikal (Constantino nasa aklat nina Carpio et.al, 2012)― na umiiral sa bansa bago pa man ang pananakop ng mga kastila. Ibig sabihin, ang Tagalog ay katumbas din ng Cebuano ng mga taga Cebu, Ilokano ng mga taga-Isabela at Ilocos, Pangasinense ng mga taga-Pangasinan, Kapampangan ng mga taga-Pampanga at gayundin ng iba pang mga umiiral na dayalekto sa Filipinas.
Naging malaking isyu lamang ang katayuan ng Tagalog nang ito ay gawing batayan ng pambansang wika ni dating pangulong Quezon sa bisa ng Executive Order No. Noong taong 1937. Lalo pa itong naging magulo at kontrobersyal nang ideklara ang Pilipino bilang wikang pambansa na nakabatay sa Tagalog (1943) at wikang panturo (Department Order No.7) ng noo’y sec.
Jose Romero ng DepEd noong 1959. Nagdulot ng malaking kalituhan at ‘di pagtanggap sa pambansang wika ang pangyayaring ito higit lalo para sa mga ‘di nagsasalita ng Tagalog. Sapagkat, isinasaad ng konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3 na. Batay sa mga dokumento, ang nilalaman ng Art. 3 o tinatawag ding “compromise pomise” ay orihinal na inihain ni Del. Wenceslao Vinzon ng Camarines Norte.